Pasang-awa, naipasa dahil sa awa o konsiderasyon- iyan ang ating rating kay Pangulong Aquino matapos ang kanyang unang isandaang araw sa puwesto. Ayaw naman nating ibagsak si P-Noy, tutal, unang markahan pa lamang naman.
Batid nating hindi malulutas ang mga problema sa edukasyon at buong bansa sa loob lamang ng isangdaang araw, ngunit kailangang magpakita ang administrasyong ito ng mga patunay na ito nga ay “hindi nagbibiro” sa sinasabing matuwid na landas. Na ito nga ay seroyoso sa sinasabing pagbabago.
Narito ang ating maiksing pagsusuri sa “Ulat sa Bayan ni P-Noy:”
Ang mga nagawa ni P-Noy sa loob ng 100 araw:
1. 18.5% increase sa budget ng DepEd na makapagbibigay ng karagdangang 13, 000 classrooms at 10, 000 teachers (samanatala 54, 000 at 120, 000 ang kulang nating calssroom at guro, ayon sa pagkakasunod); at
2. Pagpalit sa GSIS officials (bagamat wala pang malinaw na reporma sa ahensiyang ito)
Ang mga hindi niya nagawa:
1. Paglalaan ng budget na katumbas ng pangangailangan sa field para punan ang lahat ng backlog sa shortages ng classrooms, teachers, instructional materials and technology etc.
2. Pagpapalakas ng Aternative Learning System at pre-school program;
3. Aksiyon hinggil sa sahod ng mga guro (salary upgrading at pagpapabilis ng implementasyon ng SSL-3);
4. Pagpapaliban sa pagbabayad-utang upang mailipat ang pondo sa debt servicing patungo sa edukasyon at kalusugan;
5. Pagpapatigil ng lumalalang kontraktuwalisasyon ng public school teacherss;
6. Proteksiyon sa karapatan ng mga guro sa private educational institutions;
7. Dagdag na budget sa higher education especially SUCs;
8. Implementasyon ng welfare provisions ng Magna Carta sa pamamagitan ng paglalaan ng kaukulang budget upang maipatupad ang mga ito; at
9. Mabigyan ng kaukulang proteksiyon at makatarungang kompensasyon ang mga gurong lalahok sa Barangay Elections bilang Board of Election Tellers (BET).
Ang pagpipilit ng Aquino administration sa 12-year basic education program ay maaring makaapekto ng malaki sa markang ibibigay ng mga guro sa kanya sa susunod na markahan. At kung hindi mabibigyan ng solusyon o malinaw na programa upang lutasin ang mga bagay na hindi niya nagawa, malamang ay lagpak ang kanyang magiging marka. #